Ang Pagpapagaling

healing-min

Ang pagpapagaling ay ang laging pag-asa ng lahat ng mga nilalang. Ito ang laging hinahangad ng sangkatauhan, ang maging malaya sa pagdurusa, sa pamamagitan ng pagpapagaling sa pisikal na katawan at emosyon, isip at espiritu. Ang pagpapagaling, bilang bahagi ng pagpapalaya sa kaluluwa, ay lubhang kailangan bago ang isang kaluluwa ay tunay na maipahayag ang kanyang layunin.

Sa loob ng bawat isa sa atin ay ang kapangyarihan ng kaluluwa mula sa Diyos, ang Dakilang Nilalang ng uniberso. Ang kapangyarihan ito ng kaluluwa, na kung saan lumalaganap ang ating mga pinong mga katawan at ang sukat na lampas sa pisikal upang magpagaling at ayusin lahat ng problema nang natural, ay likas sa bawat kaluluwa na nadudumihan ng pagkatao o ng malayang kaluluwa ng tao.

Alam natin, ang araw ang pinagmulan ng enerhiya at kapangyarihan ng ating sistemang solar. Kung walang araw, ang mundo at ang buong sistemang solar ay titigil sa pag-iral. Lingid sa karamihan, ang pisikal na araw ay kinapapalooban ng isang dakilang Katalinuhan na lagpas sa pang-unawa ng tao. Ang mga Dakilang Nilalang na ito ay namamagi ng enerhiya ng pagpapagaling sa lahat ng dako ng ating Sistema solar. Itong mabuting nilalang ng kadalisayan ng araw ay kilala natin bilang Amon Ra, pangalan na binigay ng mga sinaunang taga-Ehipto.

Ang nagpapagaling na enerhiya mula sa Dakilang Nilalang, Amon Ra, nakadirekta sa pamamagitan ng Pang-espiritwal na Hirerkiya sa planetang Mundo, sa ibaba, sa lahat ng kaharian ng planeta (mineral, halaman, hayop at tao) sa pagtawag sa tapat at may dalisay na puso, ang tagapagdala ng liwanag na dadaong sa mga lugar na kung saan kailangan ang pagpapagaling.

Sa libu-libong taon, itong enerhiya ay nakapagpagaling sa kamalayan ng bawat nilalang, kaya naman nagpapagana sa pag-unlad pag-espiritwal. Ang layunin ng pagpapagaling na ito ay tulungan ang sangkatauhan at ang lahat ng mga kaharian sa planetang ito na umunlad pang-espiritwal, upang palayain ang lahat ng buhay.

Ang tagapagpagaling na enerhiya mula sa araw ay tinutulungan ang tao na lumipat sa mas higit na pang-espiritwal na daan. Ang bunga ng prosesong ito ay ang pisikal at emosyonal na pagpapagaling.

Bilang paghahanda sa iyong pagpapagaling, hinihiling naming ang iyong aktibong pakikilahok, dahil natagpuan namin na ang naghahanap ng kagalingan, ay magkakaroon ng mas mabuting bunga kapag siya ay direktang kasangkot sa proseso ng pagpapagaling. Ang pag-iisip ng koneksyon kay Amon Ra, ang entidad na sumusukob sa araw, ay natagpuan na tumutulong sa proseso ng pagpapagaling.

Walang kinalaman ang iyong relihiyon o paniniwalang espiritwal, ito ay nakatutulong ng sandali na isipin na ang liwanag ng iyong kaluluwa, na matatagpuan sa gitna ng iyong ulo, ay direktang konektado sa araw. Upang makatulong sa ganitong proseso, maaari kang pumunta sa labas, sa arawan, habang iniisip mo ang sinag ng araw konektado sa iyong kaluluwa. Gayunpaman, kung hindi ka makalabas, makakatulong na alalahanin na ang prana, o enerhiya ng araw, ay laging nasa paligid natin, walang kinalaman kung saan ka man. Ang koneksyon na ito ay hindi kinakailangan na matagal. Gayunman, makatutulong kung madalas mong gugunitain ang iyong koneksyon at madalas mong pasasalamatan ang araw para sa kanyang patuloy na pagbibigay buhay ng enerhiya.

Marami na ang nakatagpo na ang proseso ng pagpapagaling ay nagsisimula sa sandaling naisip natin ang koneksyon na ito.

Walang bayad ang serbisyong ito. Ang pagpapagaling ay regalo mula sa Pang-espiritwal na Hirerkiya at Kapatiran ng Liwanag. Ang banal na bendisyon ng pagpapagaling ay walang bayad na tinanggap at walang bayad na ibinibigay.