Pagkaunawa sa Kapangyarihan ng “AKO”
Sa kasalukuyang panahon ng kaguluhan, walang kaayusan at pagkaalipin, ang Maestro Saint Germain ay binigyan ng kapangyarihan ang sangkatauhan ng isang napakabisang kautusan na magpapalaya sa atin sarili mula sa mga hadlang sa panlabas na daigdig. Ito ay isang pahayag sa Ingles na umaayon sa napakamakapangyarihan mantras na ginamit ng atin mga kapatid sa Silanganan at isinasagawa ng atin mga ninuno na nalalaman ang panloob na sining.
Sa pamamagitan ng Kilusang“AKO” na sinimulan ni Maestro Saint Germain noong 1930, muli niyang ipinakilala ang isang kasangkapang mahika na pansamantalang nakalimutan ng makabagong tao ngayon Panahon ng Masulong Agham at Teknolohiya.
Totoo nga, ang pagakto sa ang “AKO” bilang isang paraan ay pagpatibay sa ating banal na pamamahala na lagpas sa katotohanang pangpisikal at upang alisin ang mga hadlang sa daan ng Kaluluwa. Kamanggagawa sa Kaliwanagan, inaanyayahan ko kayo na buksan ang inyong isip sa tanong na huhukay sa kalaliman ng diwa ng makapangyarihan kautusan.
Sa tuwing inaakto natin ang pahayag na “AKO,” ano ang nalalarawan natin sa isip? Nakikita ba natin ang kalagayan na kumakatawan sa ating mga balak? Marahil, sinisikap natin na dalhin ang ating sarili sa gayon damahin, ng kamalayan ng pagiging, gumagawa, o taglay ang ating mga ninanasa.
Ito ay kailangan sa paggamit natin ng ating malikhaing pag-iisip, ng ating mga kaisipan at nararamdaman, na mahalaga para sa Ritwal ng Paghahayag. Gayon man tinanong ba natin ang ating sarili, bakit dapat na simulan ko na iakto ang mga katuruan na ito sa salitang, “AKO?”
Pagsusuri ng Literatura
Subukan natin tignan ang iba’t ibang nilalaman kaugnay sa salitang AKO. Ang pagsusuri ng literatura ay nagsisikap na matuklasan ang sama-samang esensya sa loob ng iba’t ibang paliwanag; nagsusumamo ako sa bawa’t isa na huwag kulungin sa isang panlipunan o kaisipan teyopilosopikal ito, kundi mahigpit na mahawakan ang magkatulad na mga ugnayan kabilang sa mga paniniwala.
Ang ilan sa inyo ay maaaring alam na ang salitang AKO ay ang pinaikling pahayag na, “AKO YAONG AKO NGA,” hango sa sagot ng Diyos kay Moises nang tinanong tungkol sa kanyang pangalan. Ilan sa mga teyologo ay tinuturing na ang AKO ay isa sa maraming pangalan ng Diyos, samantalang ang iba ay mas pinapanatili na ito ay isang paglalarawan ng Kanyang kalikasan. Ang Hindi nilalang na Maylalang na malaya sa isang konsepto, ang pinanggalingan o entidad, kaya ang salin na, “AKO YAONG AKO NGA.” 1
Ang Sinaunang Wikang Hebreo na kung saan orihinal na pinalaganap ang pahayag na Ehyeh Asher EhyehAng nakatutuwa sa Sinaunang Wikang Hebreo ay wala itong nakaraan, kasalukuyan o hinaharap na panahon. Ang mga ginagawa ay tinitignan ayon sa kanilang kalagayan ng pagtatapos at hindi batay sa panahon. Ang salitang Ehyeh ay nasa isahan unang persona at may anyo ng pagpapatuloy, na tumutukoy na kumpleto na, maaaring kumpleto na, o kukumpletuhin pa lang sa hindi tiyak sa hinaharap Samakatwid, ito ay tulad ng Diyos na nagsasabi na siya ay nasa proseso ng pagiging Diyos, na naghahayag ng isang aspekto, ang kanyang sariling-pagkakandili. 2
Ang mga Kabalista ay naniniwala na ang Torah (Lumang Tipan) ay isang mayamang pinangagalingan ng Panloob na Kaalaman. Ang ilan ay tinturing na ang sagot na binigay ni Moises ay nangangahulugan, “Ako ang Ngalan Ko” na nagsasaad na ang kapangyarihan ng Diyos ay talagang mismo ang Pangalan Niya.3
Om Tat Sat ay isang Sanskritong Mantra na may kaugnayan din sa AKO. Ang Om ay tumutukoy sa Kataas-taasang Walang Hanggan Espiritu, ang Tat ay tumutukoy sa yaon, o lahat ng yaon ay, at ang Sat ay tumutukoy sa Walang Anyo, walang-dalawahang pag-iral. Ang salitang ito ay ang laging saligang Mantra ng kaugaliang Hindu at Budhista at una sa anumang anunsyo, patotoo o intension sa paghahayag.4
Ang konseptong ito ay katulad sa mga palagay na ginawa ng isang modernong quantum teoriko. Ang Aleman na kabuuan (quantum) pisisista at mistiko, Michael König (b. 1957) ay inilathala noong 2010 sa kanyang aklat, "Das Urwort (The Physics of God)." Sa aklat, ginawa niya ang Firstword- teorya. Ang ating uniberso ay isang ideya ng Diyos. Ang lahat ay nagsimula sa pagnanais ng Diyos ng isang cosmos na mayroon mga nag-iisip na nilalang dito. Bumigkas siya ng isang mantra (ELI) at ang multiverse ay nagsimula. Ang Kamalayan ay ang sentro ng uniberso na kung saan ang lahat ng bagay ay patuloy sa pagsulong.5
Tulad sa aklat ni Helena P. Blavatsky ng Theosophical Society, The Secret Doctrine, tinukoy niya ang Cosmos bilang “ang Anak”, at ang ama, ang Banal na Kaisipan at ang ina, ang Materya.6
Sa kanyang higit pang pagpapaliwanag na ang “bawat bagay ay nabubuhay at may malay, subali’t hindi lahat ng buhay at kamalayan ay katulad sa tao o hayop. Tinitignan natin ang buhay bilang “isang anyo ng pag-iral” na naghahayag sa tinatawag nating materya; ang Materya ang behikulo para sa paghahayag ng espiritu, at ang tatlong ito ay ang tatluhan na nagbubuo sa Buhay, na siyang lumalaganap sa lahat.”7
Ang Ako bilang isang Makapangyarihan Kasangkapan ng mga Tagapagdala ng Liwanag
Bilang isang mag-aaral sa Daan ng Okultismo na naglilingkod sa Dakilang Kapatiran ng Liwanag, na mahalaga na hindi makaligtaan ang di-mabilang na benepisyo ng mga katuruan ng AKO habang ginagamit natin ang mga ito sa pangaraw-araw na pamumuahay.
Kapag idineklara natin ang salitang AKO, tinatawagan din natin ang aspektong Ama; ginagamit natin ang Banal na esensya na tulay ng kaluluwa sa pampisikal na realidad-ang kapangyarihan na makapaglalang-na naging kwalipikado at kinukulayan ng ating mga particular na layunin.
Sa patnubay ng kaisipan at pinasigla ng ating mga emosyon (ang ating enerhiyang astral), ito ay tumatagos sa aspektong Ina-na hindi magkakaibang sangkap. Habang ito ay tumatagos sa wala anyong materya, ang malawak na karagatan ng potensyal, ang ninanais ay magsisimula na sumibol; nagsisimula itong magbago. Kapag narating na nito ang gulang sa sinapupunan ng Babaeng Punong Diyos, pinanganganak niya ito sa pisikal na anyo.
Sa isa sa kanyang Diskurso, napakabait ni Maestro Serapis Bey upang ipabatid ang isang napakabisang dasal upang magamit natin, at higit na makilala ang kapangyarihan ng aspektong Ina at ang mahalagang papel na ginampanan niya sa proseso ng Paghahayag. Gaya ng pagiging mayabong ng babae na mahalaga sa pagpapabinhi, kapag ginagawa natin ang akto ng pagbibinhi sa pamamagitan ng kautusan ng AKO, humihiling din tayo ng Pagbabasbas ni Isis, ng isang simpleng dasal.
“Tinatawagan ko, Inang Isis. Ilabas mo ako sa aking anyong materyal at itaas mo ako sa kadalasan (frequency) ng iyong Banal na Esensya. Tulungan mo ako na ipanganak ang bagay na ito na aking nilalang.”
Sa pagbigkas ng panalangin na ito, hinihiling mo sa substance na Ina na maging receptive sa iyong Malikhain kaisipan, isang katangian ng iyong Kalooban (ang Aspektong Ama), para sa buong proseso ng Paghahayag na mangyari, mula sa germination hanggang full maturity, at pagsilang sa panlabas na daigdig.
Depenido, sa tuwing binibigkas natin ang AKO sinusundan ng ating pinakamarangal na mga hangarin, kinakailangan na lubusan natin mamalayan na tayo ay lumilikha sa proseso ng Panlalang ng paulit-ulit, tangi sa mga bagay na niloloob natin na maghayag.
Ginagamit natin ang ating mana mula sa Ama, at nakakuha ng daan sa kayamanan ng Ina na ipanganak ang isang pangpisikal na realidad na tiyak at dapat na maglingkod sa ating Banal na Layunin.
Namaste
M.G. Thibault
ON, Canada
References:
1I am that I am – Definition, WordIQ.com, 2010, http://www.wordiq.com/definition/I_am_that_I_am, (accessed June 5, 2013)
2Ibid.
3Ibid.
4Supreme Knowledge.org, 2013, http://www. supremeknowledge.org/om_tat_sat.php, (accessed June 6, 2013)
5God and Quantum Physics, Wikiversity, February 2013, http://en.wikiversity.org/wiki/God_and_Quantum_Physics, (accessed June 5, 2013).
6Helena P. Blavatsky, The Secret Doctrine Volume 1, Theosophical University Press, (California: 1886) p.348
7Helena P. Blavatsky, An Abridgement of the Secret Doctrine, The Theosophical Publishing House (London: 1966) p.27