Pag-alam sa pagmemeditasyon
Karamihan sa mga artikulo na lumalabas ngayon, binabanggit ang pangangailangan na makaugnay sa Diyos na nasa loob. Ano talaga ang ibig sabihin nito. Ayon kay Lukas 17:20-21, tinanong si Hesus kung kailan darating ang kaharian ng Diyos, at ang sagot niya “..ang kaharian ng Diyos ay nasa loob ninyo.” Mayroon iba pang bersyon na kinuha sa bibliya tulad ng sipi “…ang kaharian ng Diyos ay nasa sentro ng loob ninyo.” Maaaring hindi eksakto ang salitang ginamit (katunayan, ang kanyang salita ay isinalin), maaari natin unawain itong konsepto.
Posible ba na ang kaharian ng Diyos ay nasa loob o nasasa atin. Tignan natin ang ating sarili bilang halimbawa. Kapag lumikha tayo ng isang bagay, inalalagay natin ang ating sarili rito. Kung ang dalawang tao ay gumamit ng magkaparehong recipe upang ihanda ang isang pagkain, ang produkto ay mayroon bahagyang pagkakaiba, kahit na ang mga sangkap at mga kantidad na ginamit ay pareho. Bakit nga ganito?
Tignan din natin ang iba pang halimbawa. Ang bawat bata na isinilang ay hindi isang espesimen, kundi ang bawat bata ay mayroon huwarang anyo na nasasalamin sa kapwa ina at ama, na nagsama upang lumalang sa isang bagong tao.
Sa pagtingin sa ganitong halimbawa, maaaring ang kasagutan ay matatagpuan sa pagkaalam na sa sandaling lumalang tayo, nilalagay natin ang ating sarili rito. Anuman ang ating ginagawa, isang litrato o ukit o eskultura o isang pag-aayos ng muwebles, tinitignan natin ito bilang ating likha.
Gayon din naman, na kung nilikha ng Diyos ang langit at lupa, at ang bawat bagay sa ating planeta, kasama ang bawat isa sa atin, kung gayon ang lahat ay mayroon pagka-Diyos sa atin.
Maraming tao ay namumuhay gaya ng naliligaw na mga inakay na aso, laging humahanap na makaugnay sa kaninoman, ngunit hindi alam kung ano ito. Kung ang bawat isa, anoman ang relihiyon, na malalaman na ang Diyos, bilang ating ama at manlilikha, ay naglagay ng bahagi ng Kanyang Sarili sa atin, maaaring ang paghahanap ay babaling sa loob.
Sinasabi na ang pagdarasal ay pakikipag-usap sa diyos, samantalang ang meditasyon ay ang pakikinig sa Diyos. Kapag tayo ay nagmemeditasyon, sinisikap natin na makaugnay sa ating kaluluwa, kung saan matatagpuan natin ang bahagi ng Diyos na nasa loob natin. Ano ang pinakamainam na pagmemeditasyon? Maraming kurso na mag-aalok ng iba’t ibang paraan. Ngunit, tanging ikaw lamang ang makagagawa ng ugnayan, ikaw mismo, sa pamamagitan ng iyong pagsisikap. Ang paraan na minumungkahi namin sa meditasyon ay napakasimple.
Upang magmeditasyon, iminumungkahi namin na maghanap ka ng tahimik na lugar na kung saan hindi ka maiistorbo ng humigit-kumulang 15-20 minuto. Makatutulong kung magsisindi ka ng kandila at ilagay ito malapit sa iyo kung saan makikita mo ito. Kung ikaw ay komportableng nakaupo ng magkakrus ang mga paa o sa posisyong lotus, maaari mong gawin ito; o kaya naman, umupo ka sa silya. Upang huwag makatulog, minumungkahi na maupo ka habang nagmemeditasyon liban lamang kung mayroon kang problema na kinakailangan ang padapang posisyon. Minumungkahi rin na magmeditasyon ka sa magkakatulad na oras bawat araw. Isipin mo na ang oras na ito ang iyong pakikipagtipan sa Diyos, at ayaw mo na maghintay ang Diyos. Ang ilan ay matatagpuan na tagumpay sila kapag nagmemeditasyon sa madaling araw o sa paglubog ng araw. Gayunpaman, ang pinili mong oras ay ang panahon na dapat mong tuparin.
Magsimula sa ilang paghinga ng malalim habang sinisikap mo na huwag maglayag ang iyong mga kaisipan. Pagkatapos, hayaan na ang iyong paghinga ay malagay sa normal na ritmiko. Ang iyong mga kaisipan ay maaaring maglayag sa panimula ng iyong pagmemeditasyon, sikapin mo na dagdagan ang iyong paghinga bago maglakbay ang iyong isip. Sa pagpapatuloy mo sa pagsasanay, matatagpuan mo na ang mga kaisipan ay tila lumulutang pababa sa iyo.
Gaya nang nabanggit, ang pagdarasal ay pakikipag-usap sa Diyos at ang meditasyon ay pakikinig sa Diyos. Sa katahimikan ng meditasyon, malalaman mo ang kasagutan sa lahat ng iyong mga tanong. Ang mga kasagutan ay galling sa Diyos na nasa loob mo. Habang naghahanap ka ng solusyon sa iyong mga problema, huwag pilitin na matagpuan ang lahat ng sagot sa meditasyon. Sa halip, ito ay isang proseso ng hayaan lamang at hayaan ang Diyos. Kapag pinilit mo na makasumpong ng mga sagot, maaaring magkaroon ng panganib na ang iyong sariling ego ay humarang sa daan, na maaaring magligaw sa iyo sa maling direksyon. Sa paghahanap sa kasagutan, isipin mo na dahan-dahan na hinuhuli mo ang isang paru-paro. Kapag nagpumilit ka, ang paru-paro ay lilipad palayo. Subalit sa iyong kalumayanan, maaaring kung hindi mo ito inaasahan, ang paru-paro ay lalapag sa iyo.
Sa paglipas ng panahon, matatagpuan mo na makaka-ugnay ka sa iyong kaluluwa, at sa kalaunan sa Diyos na nasa loob. Hindi ito ang katapusan, bagkus ito ay isa pang simula habang pumapasok ka sa daang espiritwal.
Namaste
L. Stein
Canada