Ang Walang Tinatanging Pag-ibig ni Amon Ra
Ang Amon Ra ay isang matandang pangalan na nakalimutan na ng karamihan ng sangkatauhan at itinago ng sibilisasyon sa Ehipto sa libong taon, kaya ang pangalan ay tumutukoy na lamang sa isang araw anito. Subalit sino talaga si Amon Ra? Ang mga bituin at planeta ay hindi lamang di-kikilos, ang pisikal at materyal na mga bagay ay lilitaw lamang mula sa kung saan. Ang mga bituin at planeta ay binabalutan ng kaluluwa ng isang Dakilang Nilalang na mayroon mataas na katalinuhan at kamalayan, ng pagkakilala, na mayroon malawak na kapangyarihan at pag-ibig na hindi pa matarok ng puso at kaluluwa ng tao sa kasalukuyan. Silang mga dakilang matatalinong nilalang ay siyang gumagabay sa lahat ng kaharian (mula sa mineral tungo sa tao at pang-espiritwal na kaharian) sa kanilang paglalakbay mula sa kasakdalan tungo sa kasakdalan sa lahat ng yugto ng ebolusyon at sa lahat ng tunog (octaves) at mga kaharian ng buhay sa sistema solar. Sa sistema solar na ito, si Amon Ra ay ang punong Diyos, ang pinagmulan ng lahat ng buhay, ang kaibuturan ng walang hanggang pag-ibig at nilikha na tumitibok sa mga puso ng lahat ng mga nilalang dito sa sistema solar. Kung walang enerhiya ng araw, walang mabubuhay.
Itong magandang Dakilang Pagiging na si Amon Ra ay walang hanggan na ibinubuhos ang kanyang di-nagtatanging pag-ibig sa lahat ng nilalang sa lahat ng panahon. Sa praktikal na pananalita, makikita natin na kapag ang tao, hayop, mineral na bato, at halaman ay nabilad sa araw sa parehong lugar at oras, ang enerhiya ng init at liwanag na nilalabas ng araw ay pareho sa lahat; hindi nito tinatangi ang mga tao na mas nangangailangan ng enerhiya kaysa mga halaman o ang halaman ay mas nangangailangan kaysa sa hayop o mineral. Kaya nga, pareho silang nakatatanggap ng magkatulad na enerhiya. Malinaw na ito ay ang walang pinipiling pagbibigyan ng masaganang lakas ng buhay, na lagpas sa pagtatangi. Ang bawat atomo at molekula ay nakatatanggap nitong lakas ng buhay nang masagana.
Ang walang tinatanging pag-ibig na ito ng Diyos Araw na si Amon Ra ay likas at dumadaloy nang sagana sa lahat ng dako, umaalalay sa buhay pangpisikal at pang-espiritwal sa lahat ng mga kaharian ng pag-iral sa Sistema Solar. Sa kaibuturan ng ating pagiging, ang katotohanan ng walang pinipiling pagmamahal ay likas sa bawat isa. Ito ang kalikasan ng ating tunay na sarili, ng ating kaluluwa at espiritu, ang pakislapin ang walang hanggan at walang kamatayan, walang tinatanging pag-ibig.
Sa kasalukuyan bihira na natin makita sa mundo ang walang pinipiling pagmamahal. Karaniwan ng tao ay nagmamahal lamang ayon sa kanilang pansariling layunin at dahilan. Tumitigil ang pag-ibig dito dahil sa mga iba’t ibang kinakapitan at dahil sa pagiging makasarili na lumililim sa sangkatauhan. Ang pansariling pagmamahal ay mas mabuti na kaysa walang pagmamahal, subalit ang walang tinatangi, walang hanggan at walang kamatayan pag-ibig ay ang pinakamabuti.
Papaano natin maihahayag ang walang tinatanging pag-ibig na ito sa plano pisikal? Sinasabi natin na minamahal natin lahat ng may kaugnayan sa atin: ang ating magulang, kapatid, anak, kamag-anak, asawa, kaibigan, alaga, halaman at iba pang bagay na may pansarili tayong interes. Lahat ng malasakit at pagmamahal na ibinibigay ay karaniwan para sa makasarili natin mga dahilan. Hindi natin namamalayan na ang pag-ibig at pagkagiliw na ipinagkakaloob natin, ay karaniwan nagtatapos sa atin pansariling interes, kaya nakakalimutan natin ang pinagmulan ng pag-ibig na ito.
Sinasabi natin na pinakamamahal tayo ng ating magulang, kapatid, asawa, anak, kaibigan at bilang kapalit ay pinakamamahal din natin sila. Hindi masama na magmahal, nguni’t nakakalimutan natin kung sino ang lumikha ng pagmamahal na pinangangalagaan natin. Hindi natin makita kung saan nagmula ang pag-ibig. Na ito ay nanggaling sa iisang pinagmulan, saganang dumadaloy sa lahat ng buhay. Ginamit ng lumikha ang mga pinahahalagahan natin mga bagay bilang instrumento, upang ang pag-ibig ay umabot sa ating puso.
Nakalimutan natin na padaluyin ang handog na pag-ibig kung saan ito nabibilang, ang maging utang na loob sa iisang pinagmulan na lumikha ng pagmamahal na tinatamasa natin. Ang pagpapadaloy sa pagmamahal na ito sa pinanggalingan ang bubuo sa silo ng di-napuputol na pag-ibig, at babalik sa kanyang hindi nagtatanging kalagayan.
Mga kaibigan, kinakailangan na mapagtanto natin na kapag inibig natin ang iba, ang unang bulaklak ng pagmamahal ay pinitas mula sa hardin ng walang tinatanging pag-ibig at ibinabahagi sa atin ng Maykapal upang malaman at madama natin ang labis na kasayahan at lumaki sa pagmamahal pang-espiritwal. Kaya, lagi natin padaluyin ang pag-ibig na ito sa Pinagmulan, sa dagat ng walang tinatanging pag-ibig na kung saan ito nabibilang, at manatili tayo nang sandali rito sa bawat araw. Ito ay makatutulong sa atin na ibalik ang esensya ng walang tinataging pag-ibig sa kahariang pisikal at hayaan na likas na kumislap ito sa atin.
Ang nararanasan natin pagmamahal sa pamamagitan ng mga damahin at emosyon ay ang dominanteng anyo ng pagmamahal na kilala natin. Gayon man, nakakalimutan natin ang iba pang anyo ng pag-ibig na sa kabila pa ng emosyon, nguni’t dito tayo namumuhay, bawa’t segundo ng ating buhay. Gaya ng paghinga na sumusuporta sa paglaki ng ating katawan, marami sa atin ay hindi nawawari na ang ritmiko ng hininga ay isang regalo ng pag-ibig mula sa Maykapal, at tayo ay mayroon pribilehiyo na makihati sa hininga ng Maykapal para sa ating pampisikal at pang-espiritwal na paglaki. Kahit na ang ilan sa atin mga kapatid ay ginugugol ang kanilang buhay, na hiram, para sa pansariling kadahilanan, ang Pinagmulan ay hindi kailanman dumadaing kung papaano nila ginagamit ang mga hiram na enerhiya.
Kailangan na matutunan at kailanman huwag kalilimutan na taos pusong magpasalamat sa Maylalang, Amon Ra, ang logo ng ating Sistema Solar, sa lahat ng mga handog at pagpapala na natatanggap natin sa bawat araw. Sa pagaalala rito, maaari natin madala ang hindi nagtatanging pag-ibig mula sa Pinagmulan at hayaan na ito ay kumislap sa kahariang pisikal.
Namaste
F.Hibo
Canada/Philippines