Malugod na Pagtanggap

Malugod na pagtanggap sa lahat ng tagapagdala ng liwanag na naghahanap ng patnubay sa kanilang daang espiritwal. Bilang kapwa tagapagdala ng liwanag, kinikilala natin na ang landas na ito ay maaaring mahirap at punung-puno ng mga balakid at pagsusulit. Habang nagbabago ang mundo, mahalaga sa mga tagapagdala ng liwanag na maging matatag na tumindig upang makapaglingkod sa sangkatauhan. Inaalok namin ang edukasyon at panggagamot at paglilingkod sa mga kwalipikadong tagapagdala ng liwanag na matulungan na magliwanag ang kanilang daan. Malugod din naming na t inatanggap ang mga nagnanais na makilahok sa mga proyektong pang-espiritwal. Ang lahat ay inaalok ng walang bayad.

 

Nais din namin bigyan ng pansin ang mga tagapagdala ng liwanag na tahimik na gumagawa sa lahat ng dako ng daigdig sa mga proyekto ng paglilingkod sa Pang-espiritwal na Hirerkiya. Ang aming gawain, at ang website na ito ay isa lang bahagi ng gawain ng banal na kalooban. Nakikita namin ang aming sarili bilang bahagi na isang mas malaking grupo, lahat gumagawa ayon sa iisang layunin.