Puso Isip Kamay
Puso, Isip at Kamay…ang pagbati ng Dakilang Kapatiran ng Liwanag…eksaktong mga salita na sangkap sa tunay na kahulugan ng paglilingkod.
Sa pagtatapos na ito ng siglo (cycle), ang pagbabago sa Gintong Panahon ng Aquarius…Puso, Isip at Kamay ay ang pinakapunto ng disiplina sa mga inisyado o mga tagapagdala ng liwanag (lightbearers) na maisakatuparan ang di-makasariling paglilingkod upang maisagawa ang kanilang pangako sa Espiritwal na Hirerkiya. Ang mapanatili ang kamalayan sa tatlong matataas na mga chakras – puso, lalamunan, at ang sentro ng ulo – ang isang tagapagdala ng liwanag ay maaaring mapangibabawan ang enerhiya ng mababang chakras na karaniwan na komokontrol sa tao.
Sa pagkontrol ng makapangyarihang impluwensya ng mabababang chakras, ang anyo ang siyang naghahari sa espiritu at ang pag-iral ay ginugulo ng patuloy na pakikibaka, tungalian at limitasyon. Ang isang simulain o batayan ay nagiging katumbas ng materyalismo. Karaniwan ang larangang pang-enerhiya ng bawat isa na kontrolado ng kanyang mga mababang sentro (centers) ay nakukulayan ng mga makasariling adhikain at mithiin. Ang matataas na pintig ng kaluluwa ay napipipi o nahihila ng kayabangan at ng puwersa ng materyalismo.
Sa karamihan, halimbawa, ang esensya ng pag-ibig o ang dominanteng enerhiya ng sentro ng puso, ay naihahayag sa kanyang astral o makasariling anyo bilang isang damahin at emosyon o malakas na pagkapit gaya ng isang ina sa kanyang anak. Ang pagkamalikhain ng kaluluwa o ang kahayagan ng katotohanan, ang dominanteng enerhiya ng chakra sa lalamunan bilang intwisyon, ay karaniwang nakikita sa pagiging mayabang o ng makasariling prinsipyo o paniniwala. At ang karunungang pang-espiritwal o ang esensya ng pagiging isa o pangkalahatan, ang dominanteng lakas ng sentro ng isip o ng “crown chakra”, ay karaniwang naihahayag bilang kamunduhang kaalaman at pagkaunawa.
Anumang paglilingkod na ginagawa ng isang indibidwal na pinangingibabawan ng mababang bibrasyon, gaano man katindi, ay mababahiran ng kapalaluan at sa kalaunan ay aangkinin ng ego. Ito ang karaniwang nangyayari sa mga tagapagdala ng liwanag na nabibigo sa kanilang misyon.
Ang tunay na paglilingkod ay nagaganap kapag ang tagapagdala ng liwanag ay napangingibabawan ang kanyang ego, pagkatao. Ang mahigpit na maikling pagmamasid o pagpipigil na isang madisiplinang praktis na supilin ang ego, na ang susi ay Atensyon lamang. Sa pananatili ng may malay na pokus o atensyon sa matataas na mga sentro - puso, lalamunan at isip – habang ginaganap ang gawain, ang mabababang chakras na pinangingibabawan ng ego, ay nagiging tahimik at sunud-sunuran.
Pangunahin sa disipllina ng atensyon, na napakahalaga, ay ang pagkaunawa ng katotohanan na hindi ikaw ang gumagawa o gumaganap ng kilos ng paglilingkod. Kapag ang gumaganap, ang pagkatao o ang ego, ay nakikisali sa gawain ng paglilingkod, ang likas na daloy ng kabutihan ay humihinto at pinipigil ng limitasyon ng mga kaisipan at damdamin ng tao.
May diin na sinulat ni Master Morya sa kanyang Ang Kalooban ng Diyos…..
“Kung ang mga mag-aaral ay tatanggapin lamang ang katuruan ibinigay ng Espiritwal Hirerkiya at ang gagawin ng pagkatao ay iiwanan ang lahat ng kapangyarihan, at kikilalanin ang sarili bilang walang anuman at mananatiling tahimik, na alam na ang I AM Presence ang gumaganap, ang gumagawa at ang gawa…”
True service, therefore, is…. I AM the Hand of God in Action.
Ang Gumaganap ng gawain ng paglilingkod:
HEAD, the I AM Presence….thru
PUSO, ang Kristo
Paglilingkod:
KAMAY, Aksyon
Namaste
E. Narvadez
Pilipinas