Mahiwagang Paaralan
Ang mga Mahiwagang Paaralan na kinatandaan na ng panahon, ay paraan upang daanan ang mga sagradong kaalaman ng mga tagapagdala ng liwanag na nasa daan ng inisasyon. Ang Mahiwagang Paaralan ni Serapis Bey, na inaalok sa dako (site) rito, ay ibinigay ni Maestro Serapis Bey, na ang tirahan ay nasa Ehipto Eteriko. Samantalang iniisip ng iba na ang matandang Ehipto bilang isang lugar ng Politismo (Polytheism) o Pagano, o isang lugar kung saan ang mga tao ay sinasamba ang mga batong estatwa, ito ay talagang isang nakasusulong na sibilisasyon, sa ilalim ng gabay ng mga Maestro. Sa pagsulong ng panahon, ang itim na puwersa ay nagsimula na gamitin ang mga sagradong kaalaman para sa pansarilng layunin, at ang mga kaalaman na dati ay alam ng lahat, ay iniba o itinago ng mga itiman na tumayo sa kapangyarihan, sa kanilang pagsisikap na iguho at hawakan ang masa. Upang mapanatili na buhay ang mga sagradong kaalaman, ang mga grupo ay itinatag upang ang mga impormasyon na ito ay magpatuloy na ipasa sa bagong henerasyon.
Ang Mahiwagang Paaralan ay inaalok sa matagumpay na aplikante ng pagkakataon na makipagtulungan sa isang tagapagturo upang maunawaan ang mga sagradong katuruan na matatagpuan sa YouTube channel ni Arthur Pacheco, ang medyum na naging tsanel ng mga aralin na ito. Sa loob ng mga katuruan na ito, na ipinasa mula sa nakasusulong na sibilisasyon, ay mga susi sa paglaya ng kaluluwa, na siyang magiging gabay na prinsipyo habang lumilipat tayo sa isang bagong siglo. Inaasahan na ang mga tagapagdala ng liwanag na nakatanggap ng aral ay maaaring mas higit na handa na paglingkuran ang sangkatauhan habang dumadaan tayo sa mahirap subalit kinakailangan proseso ng panganganak na maghahatid sa atin sa susunod na siglo, na kilala bilang ang Bagong Ginuntuang Panahon.
Sino ang maaaring mag-aplay?
Lahat ng mga tagapagdala ng liwanag na nasa daan ng inisasyon ay inaanyayahan na mag-aplay.
Papano ka mag-aaplay?
Ang isang interesadong aplikante ay maaaring magpasa ng aplikasyon na matatagpuan dito sa link: Aplikasyon sa Mahiwagang Paaralan
Magkano ang bayad?
Walang bayad para sa kursong ito. Ang mga kaalaman na ibinabahagi sa kursong ito ay walang bayad na tinanggap at walang bayad na ibibigay. Lahat ng mga materyales at komunikasyon ay sa pamamagitan ng “online.”
Ano ang aking aasahan kapag ako ay nag-aplay?
Ang lahat ng aplikasyon ay rerepasuhin ng isang komite na siyang magpapasiya kung ang aplikasyon ay tatanggapin. Pagkatapos ng pagrerepaso ng komite, lahat ng aplikante ay bibigyan ng abiso tungkol sa kanilang katayuan. Ang mga dahilan sa pagtanggap at pagtanggi ay hindi ibabahagi sa aplikante. Ang pasadong aplikante ay bibigyan ng tagapagturo na makikipagtulungan sa kanila tungkol sa mga aralin. Ang buong kurso ay aabot humigit kumulang sa limang (5) buwan upang makumpleto, subalit ang haba ay maaaring mag-iba depende sa progreso ng mag-aaral. Ang estudyante o ang nagtuturo ay maaaring magpasiya na putulin ang aralin anumang oras.